Mula Sa PusoMula Sa PusoMula Sa Puso

Polisiya NG Pagkapribado – Privacy Policy

Ang aming misyon sa Right From the Heart ay maabot at mangaral sa mga tao para kay Hesukristo sa pamamagitan ng iba’t ibang platform ng media. Taos-puso naming hangarin na mapanatili ang iyong privacy at ang seguridad ng iyong personal na impormasyon. Hindi namin ibebenta o ibabahagi ang iyong personal na impormasyon sa iba maliban kung kinakailangan ang naturang pagsisiwalat upang sumunod sa isang utos ng hukuman o iba pang legal na proseso.

Madalas naming sinusubaybayan ang paraan ng paggamit ng mga tao sa aming website upang mabigyan ka ng pinakamainam na karanasan bilang user ng website. Itinatala ng aming mga server ang mga adres ng Internet Protocol, uri ng device at browser, mga pahina at feature na naa-akses habang nasa site, haba at dalas ng paggamit, mga terminong hinanap, iba pang estadistikang nauugnay sa paggamit. Ang impormasyong ito ay tumutulong sa amin na mapabuti ang pangkalahatang paggana at pagiging epektibo ng site. Hindi ito magagamit upang makilala ang isang partikular na tao o indibidwal.

Kapag nagbigay ka ng donasyon sa aming site, ang personal na impormasyon na iyong ibibigay ay ginagamit upang maiproseso ang iyong donasyon at idagdag sa aming listahan ng email ng nagdonasyon. Pinapanatili namin ang iyong pangalan, email address, at halaga ng donasyon upang makasunod sa mga kinakailangan sa accounting, pamahalaan ang mga resibo, at maibigay ang iyong kasaysayan ng donasyon. Ang seguridad ng iyong personal na impormasyon ay ang pinakamahalaga sa amin.

MGA TUNTUNIN SA PAGGAMIT

Sa pag-akses ng website na ito, pati ng mga digital na aplikasyon na mula sa Right From the Heart Ministries (o “RFTH”), ikaw ay sumasang-ayon sa mga tuntunin at kondisyon na nakasaad sa ibaba at lahat ng aplikableng batas. May mga pagkakataon na maaaring magdagdag ng tuntunin at kondisyon na kaugnay rito. Aming bibigyang notipikasyon ang user sa pamamagitan ng pag-update sa petsa ng “Huling Update” ng Mga Tuntunin sa Paggamit.

LIMITASYON SA EDAD

Ang mga serbisyo at materyales sa website na ito ay para sa mga taong edad 13 pataas. Kailanman ay hindi kami mangongolekta ng impormasyon mula sa mga taong wala sa 13 taong gulang o mas bata pa.

ELEKTRONIKONG IMPORMASYON

Ang pagbisita o pagpapadala ng mga email sa MULASAPUSO.org ay binubuo ng mga elektronikong komunikasyon. Iyong pinapayagan na makatanggap ka ng mga elektronikong komunikasyon at ikaw ay sumasang-ayon sa lahat ng kasunduan, paunawa, disklosyur, at iba pang uri ng komunikasyon na aming ipadadala sa iyo online, sa pamamagitan ng email at site, na matugunan ang anumang legal na kahingian na ang mga naturang komunikasyon ay nakasulat.

NAKA-LINK SA MGA THIRD PARTY SITE

Ang websayt na ito ay maaaring maglaman ng mga link at/o reference ng iba pang mga website (“Linked Sites”). Ang mga naka-link na site ay hindi kontrol ng RFTH at ang RFTH ay walang pananagutan sa mga nilalaman ng alinmang naka-link na site. Ang RFTH ay nagbibigay lamang ng mga link para sa iyong convenience, at ang paglalakip ng alinmang link ay hindi nangangahulugan ng pag-endorso ng RFTH sa site o sa anumang kaugnayan sa mga tagapangasiwa nito.

INTELEKTUWAL NA PAG-AARI

Maliban kung hayagang isinaad sa kabaligtaran, lahat ng iyong ina-akses sa site na ito ay intelektuwal na pag-aari ng RFTH Ministries at ng aming mga tagalikha ng nilalaman. Pinoprotektahan ng copyright at iba pang mga batas na nagpoprotekta sa intelektwal na ari-arian at mga karapatan sa pagmamay-ari. Ang mga larawang ipinapakita sa site ay pag-aari o ginamit nang may pahintulot ng RFTH. Pinahihintulutan ng RFTH ang pagbabahagi ng mga materyal na ibinigay sa site na eksklusibo para sa hindi pangkomersyal, kundi sa personal na paggamit. Ang mga materyales ay hindi dapat baguhin sa anumang paraan o gamitin sa paraang nagpapahiwatig o indikasyon ng kaugnayan sa pagitan ng user at RFTH.

PAGGAMIT NG MGA SERBISYONG PANGKOMUNIKASYON

Ang RFTH ay maaaring maglaman ng mga chat area, mga forum, comment sections, at/o iba pang pasilidad na pangmensahe na idinisenyo upang ikaw ay makakonekta sa malawak na publiko o mga grupo. Ikaw ay sumasang-ayon na gamiitin ang mga serbisyong ito para lamang sa pagpo-post, pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe at wastong materials at may kaugnayan sa Serbsisyong Pangkomunikasyon.

Ikaw ay sumasang-ayon na kung kabahagi ka sa Serbisyong Pangkomunikasyon, ikaw ay hindi: mang-aabuso, mangha-harass, mangi-stalk, magbabanta, o kaya ay lalabag sa mga legal na karapatan (tulad ng mga karapatan sa pagkapribado at publisidad) ng iba; maglalathala o magpo-post ng hindi wasto, bastos, mapanirang-puri, malaswa, o labag sa batas na nilalaman; mag-upload ng mga file na naglalaman ng mga virus o mga sirang file na ang layunin ay upang sirain ang kompyuter ng ibang tao; mag-advertise o mag-alok na magbenta ng anumang mga produkto o serbisyo para sa anumang uri ng layunin ng negosyo; mangolekta ng impormasyon tungkol sa iba, kabilang ang mga email adress; nang walang pahintulot; lumabag sa anumang kaugnay na batas o regulasyon.

TERMINASYON/RESTRIKSIYON SA PAG-AKSES

Inirereserba ng RFTH ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na wakasan ang iyong pag-akses sa websayt na ito at mga kaugnay na serbisyo o anumang bahagi nito anumang oras, nang walang abiso. Sa pinakamataas na saklaw na pinahihintulutan ng batas, ang kasunduang ito ay pinamamahalaan ng mga batas sa Republika ng Pilipinas, at sa pamamagitan nito ay pumapayag ka sa eksklusibong hurisdiksyon at lugar ng mga korte sa Pilipinas sa lahat ng mga hindi pagkakaunawaan na nagmumula sa o nauugnay sa paggamit ng website na ito.

Kung ang alinmang bahagi ng kasunduang ito ay natukoy na hindi wasto o hindi naipapatupad alinsunod sa naaangkop na batas kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga disclaimer ng warranty at mga limitasyon sa pananagutan na itinakda sa itaas, ang di-wasto o hindi naipapatupad na probisyon ay papalitan ng isang wasto, maipapatupad na probisyon na pinakatumutugma sa layunin ng orihinal na probisyon at ang natitira sa kasunduan ay magpapatuloy ang bisa.

Kung may katanungan ukol sa Mga Tuntunin at Kondisyon, mangyaring i-kontak ang [email protected]