Diyos, ang Ama
Kami ay naniniwala, nagmamahal, at sumasamba sa nag-iisa at hindi nagbabago, may kapangyarihan, at mapagmahal na Diyos, ang Lumikha at Tagapamahala ng lahat ng bagay sa langit at lupa. Ang Diyos ay nahahayag sa tatlong persona: Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Genesis 1:1, 26 | 1 Cronica 29:11-12 | Deuteronomio 6:4 | Mga Awit 90:2 | 1 Pedro 1:2
Hesukristo Ang Anak
Si Hesukristo, ang ating Panginoon, ay Diyos sa laman. Siya ang Anak ng Diyos, ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ipinanganak ng isang birhen, ganap na Diyos, ganap na tao, walang kasalanan. Namatay Siya sa krus bilang kahalili natin para sa ating mga kasalanan, inilibing, nabuhay na mag-uli mula sa mga kamatayan, umakyat sa langit, at ngayon ay nakaupo sa kanan ng Diyos Ama, bilang ating Tagapagtanggol, at babalik upang hatulan ang mga buhay at patay.
Mga Hebreo 1:1-3 | Mateo 1:18-23 | Juan 1:1-18 | Mga Gawa 1:9-11 | Mga Gawa 2:22-24 | 1 Corinto 15 | Apocalipsis 5:9-14
Ang Banal na Espiritu
Ang Banal na Espiritu ay ang ikatlong persona ng Trinidad, na nagtataas kay Kristo at naghatol sa atin ng ating kasalanan at pangangailangan kay Hesukristo. Siya ay ganap na nabubuhay sa bawat mananampalataya mula sa sandali ng kaligtasan. Siya ay nag ko-komfort, nagtuturo, at nagbibigay ng kalakasan sa atin upang mamuhay sa katuwiran. Binibigyan niya ang bawat mananampalataya ng mga espirituwal na kaloob para sa paglilingkod sa Katawan ni Kristo.
Mateo 1:18 | Juan 14:16-17 | Mga Gawa 1:8 | 1 Corinto 3:16 | 1 Pedro 4:10
Tao
Ang tao ay ginawa ayon sa wangis ng nilikha ng Diyos upang sambahin ang Diyos, para luwalhatiin Siya, at magkaroon ng kapangyarihan* sa lupa. Ang kasalanan ay naghihiwalay sa tao mula sa Diyos at ang tao ay walang hanggang mapapahamak maliban kung siya ay tumanggap ng kaligtasan kay Hesukristo. (var: pamamahala)
Genesis 1:26 | Awit 8:3-6 | Mga Gawa 17:26-31 | Roma 3:10-18, 23
Kaligtasan
Dahil ang lahat ng tao ay hiwalay sa Diyos sa pamamagitan ng kasalanan at nangangailangan ng kapatawaran, ang Diyos ay nag-aalok ng libreng kaloob na kaligtasan. Ang bawat tao ay kailangang tanggapin ang kaloob na ito, magsisi sa kasalanan, at manampalataya kay Hesukristo bilang Tagapagligtas at Panginoon.
Exodo 6:2-8 | Mateo 16:21-26 | Juan 3:15-16 | Juan 17:3 | Roma 5:1 | Roma 6:23 | Efeso 2:8-9
SEGURIDAD NA ETERNAL ng mananampalataya
Kami ay sumasampalataya na ang aming tunay na kaligtasan, na ibinigay ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesukristo lamang, ay walang hanggang ligtas. Ito ay hindi nasisira at walang tao o pangyayari ang makaaagaw sa atin mula sa makapangyarihang kamay ng Diyos dahil si Hesukristo ay gumawa ng walang hanggang tipan sa atin.
Juan 10:28 | 2 Timoteo 1:12 | 1 Pedro 1:4 | Hebreo 7:25 | 2 Samuel 23:5 | Juan 3:36 | Juan 4:24
Bibliya
Ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos na kinasihan ng Diyos upang ihayag ang Diyos at ang Kanyang kalooban sa tao. Ang Bibliya ay ang Diyos bilang may-akda nito, kaligtasan sa kawakasan, at katotohanan na walang anumang kamalian. Ang Bibliya ang tanging may awtoridad para sa pamumuhay Kristiyano.
Deuteronomio 4:1-2 | Awit 12:6 | Awit 19:7-10 | Awit 119:105, 160 | Hebreo4:12 | 2 Timoteo 3:16 | 2 Pedro 1:20-21
Pagkasaserdote ng Mananampalataya
Ang bawat mananampalataya ay isang tagapangaral at may direktang paglapit sa Diyos sa pamamagitan ng mataas na saserdote, si Hesukristo.
Hebreo 4:14-16 | Hebreo 10:19-22 | Efeso 3:7
Ang Simbahan
Si Hesukristo ang ulo ng Kanyang Katawan, ang Simbahan. Ang Katawan ni Kristo ay binubuo ng mga mananampalataya. Ang layunin ng simbahan ay isakatuparan ang Kanyang misyon sa mundo at pinakamainam na isinasabuhay sa mga lokal at nagsasariling simbahan.
Mateo 16:15-19 | Mga Gawa 2:41-42, 47 | Roma 12:4-8 | Efeso 4:10-16 | 1 Corinto 12 | Apocalipsis 2-3
Ang Kasal at Pamilya
Ang pamilya, na binubuo ng mga taong magkadugo, kasal o sa paga-ampon, ay inordenahan ng Diyos bilang pundasyong institusyon ng lipunan ng tao. Ang kasal ay isang panghabambuhay na tipan na pangako ng isang biyolohikal na lalaki at isang biyolohikal na babae na sumasalamin sa pagkakaisa ni Kristo at ng Kanyang Simbahan.
Genesis 2:18-24 | Mateo 19:4-8 | Efeso 5:22-32